Jo Berry deserve maging best actress?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DAMANG-DAMA raw ni Jo Berry ang pagiging ina sa The Gift kaya may chance raw ito marahil na magka-award bilang Best New Female Actress.

Jo Berry

Pansin na pansin ng karamihan ang galing sa pag-arte ng Kapuso star pagdating sa kanyang role bilang ina ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa The Gift.

Bumuhos ang luha ng mga tagasubaybay sa sakit at pighati na ipinamalas ng karakter ni Jo Berry sa pagkabulag ng kanyang anak na si Sep.

Sigaw pa ng netizens ay deserve raw nito na mabigyan ng award, “Ang galing ni Jo Berry, she deserves an award!”

Samantala, noong una ay hindi pa nga raw sigurado ang mga manonood sa kalalabasan ng pagiging mag-ina nina Alden at Jo sa teleserye pero the two proved them wrong.

Dagdag pa ni Tin Perez, “To be honest, I was really curious how Alden and Jo Berry will show the mother and son dynamics. But gosh, they were spot on! ‘Yung dama mo na mag-ina talaga sila!”

Mas lalong nagiging kapana-kapanabik ang mga eksena sa The Gift dahil sa malaking dagok na kinakaharap ni Sep dala ng kaniyang pagkabulag. Sundan ang kanyang kuwento gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad

-MERCY LEJARDE