Barkley tinawag na ‘idiots, fools’ ang NBA critics

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

SAN FRANCISCO (AFP) – Wait-and-see si Golden State Warriors star Stephen Curry hinggil sa future ng NBA sa China, habang giniyera naman ni Charles Barkley ang mga kritiko ng liga.

Naglaro si Los Angeles Lakers Lebron James sa preseason NBA game kontra Brooklyn Nets sa Shanghai, China, Huwebes. (AP Photo)

Naglaro si Los Angeles Lakers Lebron James sa preseason NBA game kontra Brooklyn Nets sa Shanghai, China, Huwebes. (AP Photo)

Dahil sa isang tweet na kinikilingan ang Hong Kong democracy protesters mula kay Houston Rockets General Manager Daryl Morey noong nakaraang linggo, sinuspinde ng China ang sponsor deals sa Rockets and kinansla ang TV coverage ng dalawang NBA pre-season games.

Nangingibabaw ang isyu ng free speech, at ang pangambang makukumpromiso ito kapalit ng access sa 1.4 billion Chinese at dambuhalang sponsorship deals.

Para kay Curry, na regular na bumabiyahe sa China para sa business deals, ang isyu ay hindi lang ang pagpapalawak ng NBA sa mundo kundi ang impact nito sa China at iba pang lugar.

‘’It’s an interesting situation because there’s so much history involved in it. I don’t know that history well enough to speak on it or form an opinion yet. I’m staying tuned like everybody else,’’ saad ni Curry.

‘’Something this big, that involves the entire landscape of the league, the importance of a country like China, that’s something you’re not just walking into lightheartedly saying stuff off the cuff.

‘’This situation has a huge weight and gravity to it.’’

Pero hindi nagpigil ang dating NBA star na si Barkley sa pagdepensa ng katayuan ng liga sa China.

‘’They have got billions of dollars at stake,’’ sinabi ng Barkley sa Turner Sports. ‘’It’s a business decision and I understand the NBA. The players and the owners both have got billions of dollars at stake.”

Binatikos ni Barkley ang mga nais ng “moral high ground’’ habang ang dating NFL quarterback Colin Kaepernick, na nagsimula ng kneeling protests sa racial injustice at social issues, ay hindi makakuha ng trabaho sa ligang kung saan naglipana ang injured quarterbacks.

‘’All these idiots and jackasses and fools on radio and television are the same people who have been hating on Colin Kaepernick for the last few years,’’ patutsada niya.

‘’Now, all the sudden you want to control what happens in a foreign country. Give me a break.”