UCBL: Diliman naka-eskapo sa CEU

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

 

Nakuha ng defending champion Diliman College ang unang semifinal berth sa PG Flex Linoleum-Universities and Colleges Basketball League matapos makalusot sa Centro Escolar University 66-62 Huwebes sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Umahon ang Blue Dragons mula sa 20-9 simula at hindi nilubayan ang Scorpions sa third quarter.

May walong diretsong panalo na ang Scorpions, na pinulbos ang Blue Dragons 90-62 nang huli silang magtapat noong Set. 26.

Top scorer para si Diliman si Robbi Darang na may 18 points kasama ang huling dalawang free throws isang segundo na lang ang natitira.

May 5 rebounds at 3 assists din si Darang.

Tumulong naman sina Johnnel Bauzon na may 14 points at 9 rebounds, at si Kevine Gandjeto na may 12 points, 9 rebounds at 6 steals.

Nagpakawala ang Scorpions ng 8-0 run na pinangunahan ni Maodo Diouf upang lumapit sa Diliman, 64- 62, 2:23 minuto ang natititira.

Pero isang 24-second violation sa huling 11 seconds ang nagpatumba sa CEU.

Nagtala si Diouf ng 16 points, 11 rebounds at 4 blocks para sa Scorpions, na may tatlong talo na sa limang laro sa Group A of the second-round eliminations.

-Kristel Satumbaga