PVL: Lady Falcons pinabagsak ang UST sa 5 sets

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

Namayagpag si Trisha Genesis para sa Adamson University sa pagtalo nito sa llamadong University of Santo Tomas sa PVL Collegiate Conference finals series sa Filoil Flying V Center sa San Juan Miyerkules.

Matapos ang 23-25, 25-17, 25-16, 21- 25, 15-11 panalo, isang victory na ang kailangan ng Adamson para makuha ang kampeonato.

Nagtala ang sophomore star na si Genesis ng 21 points at malaki naman ang naitulong ng mga rookie na sina Lucille Almonte, Lorene Toring at setter Louie Romero.

“We learned so much from our semis series with St. Benilde,” sabi ni Adamson coach Lerma Giron. “Being able to withstand the pressure and not giving up served them well. It’s tough but it’s good for their character.”

Naging favorite ang Tigresses para sa titulo matapos nilang paluhurin ang reigning UAAP champions Ateneo de Manila University Lady Eagles sa semis.

Natapos si Almonte na may 15 points, kasama ang huling 3 points ng Adamson.

Si Toring ay may 7 kill blocks at 15 points. Si Romero ay may 33 excellent sets.

The Lady Falcons gun for the clincher tomorrow.

Nagdagdag din si Genesis ng 16 digs at 20 excellent receives.

Hangad ng Lady Falcons itaas ang level ng kanilang game para sa Game 2. bukas

Lumamang ang Lady Falcons, 12-8 sa deciding set pero marami silang errors kaya nakalapit ang UST.

Umiskor si Eya Laure ng 19 points, 3 kill blocks and 25 digs para sa UST.

Ang rookie na si Imee Hernandez at EJ Laure ay may 15 points each.

Tinalo naman ng Ateneo ang St. Benilde, 22-25, 25-16, 22-25, 26-24, 15-11, sa serye nila para sa third place.