Petecio may bronze na sa World Women’s boxing

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

Nakabawi si Nesthy Petecio ng Pilipinas kay Sena Irie, nang talunin niya ang Japanese via 4-1 decision sa kanilang quarterfinal bout sa World Women’s Championships sa Ulan Ude, Russia, Huwebes.

Tinalo ni Sirie si Petecio sa Asian Boxing Championships noong Abril.

Dahil sa panalo, sigurado na si Petecio ng bronze medal.

“I felt I wasn’t in top form in Thailand. Kaya ngayon talagang pinaghandaan ko ng mabuti ang tournament na ito”, sabi ng featherweight (57kg) Petecio.

Sa Biyernes, haharapin niya si Kariss Artingstall ng England sa semifinal round.

Isang pang Filipina, si Flyweight Aira Villegas ay may quarterfinals bout laban sa No. 1 seed, Hsiao Weng ng Chinese- Taipei.