Ninoy Aquino Stadium aayusin para sa SEA Games

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Magkakaroon ng massive makeover ang Ninoy Aquino Stadium (NAS), isa sa mga venue ng 30th Southeast Asian Games.

Isa ang Ninoy Aquino Stadium sa mga venue inihahanda para sa Southeast Asian Games simula Nobyembre. (Rio Deluvio)

Isa ang Ninoy Aquino Stadium sa mga venue inihahanda para sa Southeast Asian Games simula Nobyembre. (Rio Deluvio)

Hindi magamit ang stadium dahil sa mga tulo, sirang sahig dahil sa baha at lumang function rooms.

“By the time it opens again, it will be high-tech,” sabi ni Philippine Sports Commission Executive Director Guillermo Iroy Huwebes matapos ipakita sa Balita ang pagkumpuni sa 30-anyos na venue.

Kasama ang NAS sa Rizal Memorial Sports Complex na inaayos para sa Nob. 30-Dis. 11 biennial sporstfest. Inaayos din ang Philsports complex sa Pasig City.

Ayon kay JM Javier ng PSC, ang repair ay on schedule at matatapos bago magsimula ang Games.

“The structure wasn’t touched because the PSC wants to preserve its old look (from the outside),” ani Javier.

Maglalagay ng mga bagong silya at airconditioning unit sa NAS. Lahat ng construction at repair work ay dapat matapos sa Okt. 30.

Naging venue ang NAS para sa UAAP and NCAA basketball games, ang 1989 Asian Basketball Confederation juniors basketball, 2013 FIBA Asia alternate venue at ng Metropolitan Basketball Association.

Pinatulog din ni Manny Pacquiao ang Fil-Australian Arnel Barotillo sa laban nila sa NAS noong Marso 2000.

-Nick Giongco