Etheridge, balik sa Azkals para sa qualifier laban China

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Kasama si Neil Etheridge sa Philippine Azkals na isasabak laban sa China sa 2022 FIFA World Cup/2023 AFC Asian Cup second round qualifiers sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Babalik si Etheridge sa Azkals matapos hindi makalaro sa qualifying matches kontra Syria at Guam noong Agosto dahil sa hamstring injury.

Na-sideline din ang 29 anyos na goalkeeper sa huling limang matches ng kanyang team na Cardiff sa English Football League Championship.

Sina Michael Falkesgaard, na pumalit kay Etheridge noong Agosto, at Kevin Mendoza ay kasama rin sa koponan na babangga sa Chinese side sa ilalim ng former World Cup winner na si Marcelo Lippi.

Nasa team din sina Stephan Schrock, Daisuke Sato, Alvaro Silva, Mike Ott, Iain Ramsay, Martin Steuble, Luke Woodland, Patrick Strauss, Jovin Bedic, Mark Hartmann, OJ Porteria, Patrick Reichelt, Mikel Justin Baas, Niko de Vera at Elias Edison Suerti.

Tabla ang Azkals sa China, Syria at Maldives na may 3 points each.

-JONAS TERRADO