Yabut, bumida sa PECA Chess Prix

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

GINIBA ni Mark Anthony Yabut si Kevin Mirano  sa duel of fancied bets sa seventh round para makopo ang korona sa executive , habang nakaungos naman sa tie break si John Frederick Sunga  para makopo ang youth division sa katatapos na 2019 GM (Atty.) Rosendo C. Balinas, Jr. (PECA) National Executives Grand Prix Chess Championships na tinampukang 15th leg M.A. Yabut Realty Cup na ginanap sa Waltermart Mall , San Agustin, San Fernando City, Pampanga.

Ipinamalas ni Yabut, dating pambato ng Far Eastern University, ang kahusayan sa black pieces para talunin si Mirano sa final round at tanghaling solo champion sa executive category sa pagtipon ng 6.0 points.

Kabilang sa mga tinalo ni Yabut ay sina Billy Limpengco sa first round, Dr. Jenny Mayor sa second round, Victor Anas sa third round, National Master Raymond Salcedo sa sixth at penultimate round bago manaig kay Mirano sa final canto.

Nakipaghatian siya ng puntos kontra kina International Master Angelo Young sa fourth round at Florel Cruz sa fifth round.

Sa youth category, nakisalo si John Frederick Sunga sa first-second places kay Lexie Grace Hernandez na may tig 5.0 points sa six outings.

Dahil sa highest tiebreak points ay naiuwi ni Sunga ang titulo habang nagkasya si Hernandez sa second.

Samantala ay simula na ang pagpapatala sa D’Travel Queen’s Travel and Tours 16th leg  GM (Atty.) Rosendo C. Balinas, Jr. (PECA) National Executives Grand Prix Chess Championships . Ito ang Metro Manila  last leg, ayon kay tournament director Dandel Fernandez ng Maynilad. Magsisilbing punong abala sa venue ang Alphaland Place Makati sa Malugay Street sa 1 day chess affair sa darating na Sabado, Oktubre 12.

Mag call o text kina text tournament director Mr. Dandel Fernandez ng Maynilad (09088760723), NM/engr. Jose Efren Bagamasbad (09157209145), Dr. Jenny Mayor (09351004755), Atty. Cliburn Anthony Orbe (09188974410), Dr. Fred Paez (09212728172), Mr. Martin “Binky” Gaticales (09998851432) at Mr. Joselito Cada (09499981949).