Sharon humingi ng prayers para sa paggaling

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY naka-schedule na presscon sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez bukas para sa promotion ng two-night concert nila sa Smart Araneta Coliseum billed Iconic naka-schedule sa October 18 at 19. Hopefully, magaling na si Sharon dahil last Sunday, may post siyang may sakit siya.

SHARON

Post ni Sharon: “This was taken in my dressing room for ASAP yesterday. I really haven’t been feeling well for days now, since I got back from NY. In fact, the day before taping GGV, which was the day after I arrived back in Manila, I got sick na. I tried to fight off jetlag during my 6 days in the States para naman gising ako while I was with Frankie, so halos wala akong tulog. On my way home from ASAP yesterday, ‘di ko na kinaya. I was really not feeling well na and fell asleep in the car. It was the 3rd day of me being back on my very strict diet pa-kasi naman di pa nakaka recover nagdiyera pa na sobrang hirap-so when I arrived home, my nose was so clogged na, I was coughing, and felt the symptoms of the flu coming on. Kinontra ko ng gamot but I have to see my doctor na but he isn’st available tomorrow. Pinakain na ako ni Kiko at tama na daw muna ang diet.

Was supposed to rehearse with Regine today (Monday, Oct. 7) pero di ko puwede pilitin. Baka sa concerts “mute” na ako at walang boses. Reg has been so sweet and encouraging and caring. Am thankful my present concert “partner” is Reg,” post ni Sharon at nanghingi pa ng dasal sa kanyang followers.

Sa kanyang follow-up post, nagpasalamat si Sharon sa mga nagdasal sa kanya at nakiusap na ipagpatuloy ang pagdasal para sa kanyang paggaling.

-Nitz Miralles