Senyorita Bulljack, kampeon sa Pitmasters Cup

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MATAPOS ang record-breaking 529 kalahok sa 11th edition ng World Pitmasters Cup,  may nag-iisang entry ang tinanghal na solo champion sa WPC 9-Stag International Derby.

NAGDIWANG ang mga may-ari at tagasuporta ng Senyorita Bulljack-DMCA, ang solong kampeon sa 2019 World Pitmasters Cup.

NAGDIWANG ang mga may-ari at tagasuporta ng Senyorita Bulljack-DMCA, ang solong kampeon sa 2019 World Pitmasters Cup.

Nadomina ng Senyorita Bulljack DMCA na entry nina Jepoy, Bulljack at Allan Vicencio ang laban sa  23 iba pang World Pitmasters Cup grand finalists nitong Biyernes (Oktubre  4) sa  jam-packed, standing room only crowd sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila.

Walang bahid si Senyorita Bulljack DMCA,  na may siyam na panalo para masumgkit ang solo championship sa pibaja-prestihiyosong  stag derby sa buong bansa.

Ang entries nina RJ Mea (RJM R Star Staton GF), Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza at Boy Velez (White Eagle), San Rafael, Bulacan Mayor Goto Violago (VRV San Rafael) at Jimmy Rimando/Voltaire Atienzar/Bebot Uy (Raptor Isabela VM SF) ang nagtapos na  runners-up na may  8 puntos.

Naging strong 2nd-runner up finishers naman na may tangan na  7.5 puntos bawat isa sina Atong Ang (Small Bear 3), Rep. Sonny Lagon/J. Ruz (Ako Bisaya J. Ruz Scorpio), RJ Mea (Black Magic Tiaong), John Capinpin/Mayor Alonte (JCAP AMA), Atty. Caluya/Atty. Santos (Grand Archon 114) at Larry Villacorte (Hillvilli Job).

Ang mga top finishers sa September 2019 World Pitmasters Cup  ay nag-uwi ng kanilang share sa P42.3 million cash prize, na itinururing na  pinakamalaki sa WPC history.

Samantala,  nakahanda na ang November 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Tanging mga Bakbakan, PFGB-Digmaan at Salpukan banded stags ang tatanggapin at limitado ang timbang sa 1.7-2.2 kg. Para sa mga katanungan at  cockhouse reservations, tumawag sa  0915-1527975.

Ang World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby  ay itinataguyod nina Mr. Charlie “Atong” Ang, Mr. Gerry Ramos, Rep. Eddiebong Plaza, Mr. Rj Mea, Rep. Sonny Lagon at Mr. Eric Dela Rosa.

Itinataguyod ang derby ng Resorts World Manila at sa pagtataguyod ng Thunderbird Platinum, VNJ Vio-Plus, Excellence Poultry and Livestock Specialist, Thor MP Wash at Experto Gamefowl Products.