San Beda playmaker Nelle, patuloy sa pag-angat

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Malaki ang inaasahan kay Evan Nelle nang simulan niya ang kanyang second season sa NCAA Men’s Basketball.

Hindi siya nag-disappoint. Ang San Beda player ay umaaangat mula sa sikat na high school program at ngayon ay kinikilalang floor leader.

Tinulungan ni Nelle, ang assists leader ng liga, ang Red Lions na makamit ang undefeated streak sa 16 games. Dalawang panalo na lang ang San Beda sa clean sweep sa eliminations.

Hindi nakapagtatataka na ang 5-foot-11 na playmaker ang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Nag-total si Nelle ng 12 points, seven assists, five rebounds, at two steals sa pagpapasuko ng San Beda sa Letran noong Martes.

Wala rin siayng turnovers sa 34 minutes niya sa court.

“I really prepared for that game kasi nung first round, they hounded me and gave me a really hard time setting up our plays,” aniya.

“So nung second round, pinaghandaan ko talaga sila. I’m proud of myself kasi having no turnovers against a really great defensive team is something good.”

Makaraan ang tatlong araw umarangkada na naman ang 21-year-old at nagposte ng 14 points, eight assists, three rebounds, at two steals sa victory ng San Beda sa Mapua.

“I wouldn’t have all those assists if it weren’t for my teammates kasi sila yung sumu-shoot e,” sabi ni Nelle.

Dagdag niya: “I just try to make the best play possible, but I have a really long way to go pa to be the best.”