Richard at Sarah talagang meant to be

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“WE are happy to announce that we are finally getting married on March 2020 here in Manila. And we are looking forward to that date,” pahayag ni Richard Gutierrez dun sa invitation ng ABSCBN na ang nakalagay lang ay “Formal Announcement”.

SARAH AT RICHARD

So yon pala yon. Ang akala ni yours truly ay pinayagan na ni PDigong Duterte na magkaroon uli ng Franchise ang ABSCBN Network sa year 2020. Tsk, wala talagang tamang akala sa true lang.“Medyo na-delay nga po kasi we were supposed to get married earlier pero nagkaroon ako ng La Luna Sangre. After La Luna, nabuntis si Sarah so na-delay uli,” paliwanag pa ng actor.Si Richard ang first serious boyfriend ni Sarah na aminado ang actor na nang makita niya noon sa GMA 7 ay naramdaman na agad niya na may kakaiba ito sa lahat. “Yung parang intuition ba ‘yun,” sabi ni Richard. Na tipong siya na si Miss Right na magiging katuwang niya in real life.

Pero ganun din naman si Sarah. Nang makilala niya ang actor kahit naka-focused siya noon sa trabaho at kakasimula pa lang ng career, naramdaman niya na ito na nga ang sinasabing “Siya na nga si Mr. Right” regarding her lovelife.

Almost seven years na ang kanilang relasyon with two kids (Zion and Kai) na parehong may participation sa kanilang kasal.

Dito lang sa bansa magaganap ang kasalan. Naisip daw nilang mag-destination wedding sa Switzerland, pero masyadong marami silang kapamilya at kaibigan na imbitado at mahihirapan silang ilipad ang mga ito sa bansa kung saan pinanganak si Sarah. Pero ‘di nila sinabi kung anong exact date sa March 2020 magaganap ang kanilang kasal. Nasa presscon din ang Mommy Dearest ni Richard na si Annabelle Rama pero ayaw nitong magpaunlak ng interview coz ayaw daw niyang masapawan ang Richard at Sarah dahil moment daw yun ng dalawa. Well, henga naman.

-MERCY LEJARDE