Mikee Quintos, nagpasilip ng kaseksihan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGPASILIP din ng kaseksihan ang Kapuso actress na si Mikee Quintos dahil kasama ang ilang kaibigan at boyfriend na si Andre Guevara, nagbakasyon sila noong weekend sa El Nido, Palawan.

MIKEE

Nasa beach si Mikee, walang makapam-bash sa kanya kung bakit naka-swimsuit siya. Saka, in fairness kay Mikee, pumayat na ang aktres at sabi nga ni Rayver Cruz na isa sa mga nag-comment, nasa kundisyon ang katawan ng dalaga.

Anyway, natutuwa si Mikee na napupuri rin silang mga kasama ni Alden sa The Gift dahil sinasabayan ang husay umarte ni Alden. Nagpapaiyak din si Mikee at mas hinanhaan nang malamang siya mismo ang sumulat sa message niya kay Sep (Alden) habang nasa ospital ito.

“Nagpasalamat ako na pinayagan ako ni direk LA (Madridejos) at ng writers na ‘yung sinulat ko ang gamitin sa eksenang ‘yun. Noong una nga, hindi ko mabuo at two days before the taping, hindi ko mabuo dahil wala akong maisip, ‘yun, before the take, nabuo ko rin. Kung ano ang umere, ako ang sumulat, gusto ko lang i-try magsulat, kaya thankful ako na nagustuhan ng televiewers,” sabi ni Mikee.

Masaya si Mikee ngayon dahil sa The Gift na tinanggap ng televiewers at may love life pa siya. Nahiya pa nitong inamin na kasasagot pa lang niya kay Andre na nakilala niya thru’ their common friends at nag-aaral sa Xavier School.

-Nitz Miralles