Maja, inialay ang award sa mga katrabaho

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG ganda ng ngiti ni Maja Salvador habang nasa stage at hawak ang trophy ng Best Actress na napanaluna niya sa 1st Asia Content Award para sa role niyang si Ivy Aguas sa Wildflower.

MAJA

“Thank You #AsiaContentsAwards and #BIFF2019 Congratulations Team #Wildflower wala ako dito sa busan ngayon kung hindi dahil sa inyong lahat. This award is ours. Masaya ako na nakapagbigay tayo ng karangalan para sa Industriya natin sa Pilipinas. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin. Kayo ang inspirasyon ko para ibigay lagi ang best ko. Mahal ko kayo. Indeed!!! Happy Birthday To Me!!! Thank You Lord. Iba ka!!!”

Birthday gift na rin ni Maja ang acting award dahil birthday niya noong October 5 at magandang pa-birthday ito sa kanya

-NITZ MIRALLES