Herbert, gagawa ng pelikula sa iWant

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI kataka-takang maraming nahuhumaling o nagda-download na ng iWant apps dahil ang dami-daming original series na napapanood na rito. Walang pinipiling audience ang iWant dahil anumang oras, anumang araw ay puwede itong mapanood lalo na sa mga nagta-trabaho na weekends ang pahinga.

Herbert Bautista

Kamakailan lang ini-launch ang iWant series ni Maja Salvador na Hinahanap-Hanap Kita handog ng ABS-CBN at TFC studios na ang kuwento ay pumunta siya sa Dubai para hanapin ang asawang si Troy.

Naaliw nga kami dahil akala namin ay nanonood kami ng comedy version teleseryeng The Killer Bride dahil buong cast ay nasa Hinahanap-Hanap Kita na pakiwari namin ay may show sila at sumegue sa paggawa ng series para sa iWant.

Nabanggit namin ito dahil nagsimula na ring mag-shoot si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ng pelikula sa iWant na may titulong Silly Red Shoe para sa first anniversary celebration ng iWant ng ABS-CBN.

Makakasama ni Bistek ang Kadenang Ginto stars at miyembro ng Gold Squad na sina Francine Diaz at Kyle Echarri, si James Mayo naman ang direktor.

-Reggee Bonoan