UST, winalis ang UAAP beach diadem

Filed under Balita, Sports, Volleyball Balita RSS RSS Feed

KINOMPLETO ng University of Santo Tomas tandem nina Rancel Varga at  Jaron Requinton ang 10-0 sweep para tanghaling kampeon sa UAAP Season 82 men’s beach volleyball championship.

NANATILING dominado ng UST spikers ang UAAP men’s beach volleyball.

NANATILING dominado ng UST spikers ang UAAP men’s beach volleyball.

Ginapi ng Tigers ang Far Eastern University Tams due nina Jude Garcia at  Doy Barrica, 21-11, 21-11 at 21-15, 21-19 nitong Linggo para makamit ang kampeonato sa Sands SM By The Bay.
“Consistent ang ipinakita namin ni Jaron hanggang dulo. Iniaalay namin ito sa UST, kay God, at sa family namin sa sumusuporta at sa mga coaches,” pahayag ni Varga, tinanghal na season MVP.
“Yung inspirasyon po namin yung hirap sa training at yung pagpunta ng family ko po sa Manila, kaya nakuha ko yung tropeo at yung bonus kong natanggap, which is yung MVP po,” aniya.

Nakamit ng UST ang ikalimang titulo sa beach volleyball.

Nakamit ng National University’s James Natividad at James Buytrago ang bronze medal nang gapiin ang Adamson University’s Leo Miranda at Jesus Valdez, 22-20, 15-21, 15-9.

Tinanghal na Rookie of the Year si Buytrago.