Piolo hindi threat ang mga bagong ‘partner’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KAPAG narinig na ang SunLife of Canada ay papasok kaagad sa isipan ang aktor na si Piolo Pascual bilang partner nila sa loob ng 11 years.

Sa bawa’t taon na inilagi ni Piolo sa Sun Life bilang partner ay padagdag nang padagdag ang kanilang advocacy para makatulong sa mga nangangailangan.

Tulad nitong latest project nilang Sun PIOLOGY Xone na nagdiriwang ang aktor 11th year niya at 125thanniversary naman ang Sun Life of Canada.

Ang bago nilang project ay ang Sun Life Virtual Run: Run anytime, anywhere – long distance run race na ang bawa’t participant ay puwedeng kumpletuhin ang kanilang pledge na 50 o 125 kilometers na puwede nilang buuin sa loob ng 30 days. Sun Life Cycle PH: Family bonding on wheels – para sa mahihilig magbisikleta at magandang bonding ito sa buong pamilya na ang ruta ay gaganapin sa Bonifacio Global City hanggang Pasay City. Ang mga kategorya ay ang Tricycle Ride (100 – 500 meters) na puwede rin sa mga batang edad 2 – 5; Kids Ride (30-minute Solo or Family Ride) ages between 6 – 15; Short Ride (20 kilometers) edad 10 pataas; at ang Long Ride (40 meters) para sa edad 14 pataas.

At ang panghuli ay ang Sun Life Resolution Run: Race to fight Diabetes. At dahil 125th anniversary ng Sun Life of Canada sa 2020 ay ito rin ang kilometrong tatakbuhin nina Piolo at Enchong Dee na tinawag na ‘125 Xone.’ Ang mananalong 125 runners ay tatanggap ng electronic gift cards na puwedeng i-redeem sa partner stores. Gaganapin ang event sa Enero 18, 2020 sa Camp Emilio Aguinalgo, Quezon City.

Samantala, natanong si Piolo na sa ipinakitang performances ni Enchong sa nakaraang Sun Life Resolution Run sa Indonesia noong 2018 kung saan nanguna ang aktor ay hindi kaya maging EnchoLOGY na ang PIOLOGY.

Natawa ang aktor, “hindi ko naisip ‘yun, ah? Baka mawalan na ako ng events. Were brothers, (Echong at siya), I have known him since he was in school and kung ako average finisher, he’s always finish on top. And that really inspire you kasi he puts everything in his heart kaya nakakatuwa.”

Birong sabi ni Enchong, “parang hindi ko gusto ‘yung EnchoLOGY.”

Paliwanag ng aktor, “Can I just add kasi I think not everyone knows that when we’re (sila ni Piolo) having a conversation ni Kuya P, sabi niya, ‘treat Sunlife differently because it is not just an endorsement, it is a family. So for the longest time I was wondering what that does mean, now that I’m officially part of Sunlife, nakikita ko ‘yung important at value nu’ng pagiging part ka.

Again, it doesn’t stop with your policies, it just continues helping you in your daily routine. So, I’m glad that we have Piolo Pascual that we look up to.”

-Reggee Bonoan