Marcial, nakontento sa silver sa World tilt

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

RUSSIA – Matikas na nakihamok si Filipino boxer Eumir Marcial, ngunit sadyang mabigat ang kalaban, sapat para maiuwi ang silver medal nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa 2019 AIBA Boxing World Championships sa Ekaterinburg.

MARCIAL: Pambato sa SEA Games.

MARCIAL: Pambato sa SEA Games.

Hataw ang 23-anyos na si Marcial sa kanyang kampanya sa middleweight division kabilang ang panalo kina Iranian Shahin Mousavi para makausad sa quarterfinals.

Nagwagi si Marcial kay Mousavi, 5-0, para makausad sa semifinals kontra Kazakhstan’s Tursynbay Kulakhmet. Hindi nagbadaig ang Pinoy champion tungo sa 5-0 panalo tungo sa championship match.

Laban sa mas malaking karibal, nakipagbuno si Marcial, subalit bigo siyang makatama at makateympo sa bilis ng galaw ni Russian boxer Gleb Bakshi para mabigo sa 0-5 iskor.

Hindi na mabilang ang tagumpay sa international competition ng pambato ng Zamboanga City, kabilang ang gintong medalya sa 2015 at 2017 Southeast Asian Games.

Sa naiuwing runner-up finish sa World Championships, napasama si Marcial sa listahan ng mga Pinoy na nakadale ng medalya sa pamosong torneo tula dnina Roel Velasco (1997) at Harry Tañamor (2007).