FWD at PRSP, nagkakaisa sa National PR Congress

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

SENELYUHAN ng FWD ang pakikiisa sa mga aktibidad at programa ng Public Relations Society of the Philippines sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) kamakailan bilang isa sa official sponsors sa gaganaping 26th National PR Congress.

FW

Nagkamayan (mula sa kaliwa) sina FWD Life Insurance Philippines Director for Communications and Product Marketing John Robert Sion, FWD Insurance Philippines Head of Marketing Roche Vandenberghe, 26th National PR Congress Chairwoman and PRSP Vice President for External Affairs Ana Pista at 26th National PR Congress Sponsorship Specialist Hershelyn Dimapilis.

Gaganapin ang National PR Congress sa September 24 at 25 sa SMX Convention Center sa Pasay City. Tampok ang mga high-caliber local at international PR practitioner para magbigay ng kanilang kaalaman hingil sa iba’t ibang isyu at mapataas ang kalidad ng public relation business sa bansa.

Magbibigay ng discounts sa PRSP members, students, members of the academe, government employees, NGOs, senior citizens at PWDs. Sa mga nagnanais na makiisa,makipag-ugnayan kay Monique Galza sa  moniquegalza.prsp@ardent.com.ph o tumawag sa 631-0511.