Mikee Quintos, Natuwang Mag-Taping Sa Divi

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Manila girl si Kapuso actress Mikee Quintos, kaya natuwa siya nang isama sa cast ng inspirational drama ng GMA Network ang The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Simula pa lamang nang mag-courtesy call sila ni Alden at iba pang co-stars nila kay Manila Mayor Isko Moreno para magpaalam na gagamitin nila ang Divisoria as taping location, na-excite na siya.

“Nakakatulong po kasi ang environment para ma-feel namin ang mga roles na ginagampanan namin,” sabi ni Mikee sa mediacon. “Lumaki po kasi kami sa Divisoria, mga tindero kami nina Alden as Sep, Mikoy Morales as Bistek, at ako naman po si Amor. Kaya feel na feel namin iyon kapag magkakaeksena na kami sa kalye sa Divisoria. Pero as Amor, may lihim po talaga akong pagtingin kay Sep. Pero si Thia (Thomalla) po bale ang katambal niya.”

Naba-bash si Mikee dahil daw masyado siyang malapit kay Alden. Pumapatol ba siya sa mga bashers?

“Hindi po, hindi ako nagbabasa,” natatawang wika ni Mikee. “Humahanga po lamang ako talaga kay Alden dahil napakabait niya, gentleman, at napakahusay na actor. Nasa dream list ko talagang makatrabaho siya. Kaya isa pong honor na nakasama ako sa kanyang teleserye. Siguro po naman walang artista na ayaw makasama si Alden. At napapatunayan po naman namin kung gaano kabait at kahusay na actor si Alden.”

May boyfriend daw siya, si Andrei? Nakikita raw kasing dumadalaw sa taping niya ang guy at minsan daw ay nakakalaro ni Alden ng Mobile Legend pag wala itong eksena.

“Hindi pa po, nanliligaw pa lamang. Pero matagal ko na siyang friend, college graduate na rin siya. At ako naman, gusto ko pong tapusin muna ang Architecture course ko sa University of Santo Tomas. Naka-leave po muna ako ngayon kasi wala na po akong kukuning subjects. Babalik po ako sa January, 2020, 4th year na ako for that semester at hopefully makatapos na ako sa 2022. Mahirap po kasi kapag may kasabay akong ginagawang teleserye, hindi ako maka-concentrate.”

Kasama pa rin sa cast sina Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Christian Vasquez, Martin del Rosario, Ysabel Ortega, Rochelle Pangilinan, Tetay, Betong Sumaya, at sa direksyon ni LA Madridejos, sa Monday na, September 16, ang world premiere ng The Gift sa Primetime Telebabad after ng Beautiful Justice.

-Nora Calderon

  • MochoGarbo

    saying sana naisama si Pauline Mendoza sa The gift. bagay din rom com with Richard Alden. I noticed she had lots of live mall show forBeautederm which is four for Sept. 2019 but I was wondering why no show or guesting for Sept. 2-19 with GMA network or artist center. Something fishy or someone does not like masapawan ni Pauline Mendoza. Sayang at sana sa next year ay may new company will hire and trust Pauline Mendoza for more good and lead role. I wish this will happened.