Red Lions, nginata ang EAC Generals

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

PINAYUKO ng San Beda University Red Lions ang Emilio Aguinaldo College General, 98-66, nitong Martes para walisin ang elimination round ng NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament matapos sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

WALANG puknat ang aksiyon sa duwelo ng Letran at Jose Rizal University sa men’s basketball elimination ng NCAA Season 95. (RIO DELUVIO)

WALANG puknat ang aksiyon sa duwelo ng Letran at Jose Rizal University sa men’s basketball elimination ng NCAA Season 95.
(RIO DELUVIO)

“We’re no. 1 and hopefully, we could sustain this,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez matapos iposte ng Red Lions ang ika-10 sunod nilang panalo.

Kakaibang bangis ang ipinamalas ng Red Lions sa kanilang pangkalahatang ika-22 sunod na panalo kontra EAC mula pa noong 2008.

Buhat sa dikdikang first period, nagsimulang kumalas ang San Beda sa second period matapos maglatag ng 38-9 blast.

Malaking bahagi ng panalo ang kanilang mainit na shooting kabilang na ang ipinukol nilang 15 triple sa laban.

Tumapos na topscorers para sa Red Lions sina Donald Tankoua, Clint Doliguez at Evan Nelle na may tig-13 puntos kasunod si AC Soberano at Calvin Oftana na may 12 puntos.

Para naman sa EAC, nanguna si Marwin Taywan na may 19 puntos,5 limang assistsm tatlong reboundas at tatking steals.

-Marivic Awitan