Pinoy archers, tama ang target

Filed under Balita, Sports, Uncategorized Balita RSS RSS Feed

NASUKAT ang kahandaan ng Philippine archery team sa darating na 30th Southeast Asian Games sa pagsabak ng Nationals sa Asia Cup Leg 3 men’s and women’s compound tournament sa Clark Pampanga.

Nagpakitang gilas ang mga pambato ng national team na sina Paul Marton Dela Cruz at Andrea Robles matapos na makapasok sa final round, Si Dela Cruz, na siyang unang pambato ng Pilipinas para sa nasabing sport ay nagwagi kina Australian  14th seed Hassy Sfar, 145-139, at  6th seed Jersey Liu,  146-141  at agad na binigo ang  2nd seed na si  Sharizan Jafar  ng  Malaysia, 146-143, sa semifinal round.

archer

Target niyang maduplika ang gold medal performance noong nakaraang taon sa Asia Cup kung saan host din ang bansa na ginanap sa Rizal baseball field.

Haharapin ni  Dela Cruz si top seed Mohd Juwalsi Mazuki ng Malaysia, nagwagi laban kay Pinoy bet Johan Olano, 149-142, sa gold medal round.

Umabante rin si Andrea Robles nang biguin ang kababayang si Rachelle Ann Dela Cruz sa semis, 144-140.

Unang pinataob ni Robles  ang 10th seed na si  Contezza Loh Tze Chieh ng  Singapore, 144-135, bago sinundan ng kanyang pagtalo kay 15th seed  Ting Wang Yi ng  Chinese Taipeh,   145-144.

Makakaharap naman ng 21-anyos na si Robles si  4th seed Norazam Imam Alayah ng  Malaysia, nagwagi kay 5th seed Mohd Azmi Nuruk Shazhera, 143-138.

“As much as possible we would have wanted to have good results. But as of now, i can only assure you that we will win medal. As to the classification wheteher it’s gold, silver or bronze, hindi ko muna sasabihin,” pahayag ni coach Clint Sayo.

Bukod kina  Dela Cruz  at Robles, ibabandera din ng Pilipinas sa SEA Games  si  Youth Olympic Games gold medal winner  Gabriel Moreno, kasama ang Olympian na si  Jennifer Chan.  Annie Abad