Kilalang aktor tameme sa latest issue sa kanya

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALA nang maikatwiran ang kilalang aktor sa mga naglabasang balita tungkol sa kanya dahil mismong taga-production na ang nagkuwento ng tunay na pangyayari kung bakit siya nagka-problema sa programang kasama siya.

Hindi sinagot ng aktor ang mga tanong tungkol sa bagong isyung lumabas, bagkus ay nanahimik na lang siya at sinabing okay naman siya.

Nabanggit pang less talk, less mistake dahil nga alam niya na may katotohanan ang mga lumabas na balita na galing mismo sa mga taong kasama siya sa programa. Alangan namang itanggi niya ito, e, ang daming witnesses.

Ang kilalang aktor ay patuloy na umaapela sa mga kasama sa programa na sana intindihin siya na ibinibigay naman sa kanya pero sana hindi niya abusuhin.

Anyway, wala namang masabi ang mga kasama ng kilalang aktor sa kanya pagdating sa pag-arte dahil nakaka-deliver naman, ‘yun nga lang kailangan talaga siyang intindihin.

-Reggee Bonoan