Jo Berry pinanggi-gigilan ni Alden

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA grand mediacon ng newest primetime teleserye ng GMA 7 na The Gift na ang lead actor ay si Alden Richards na tinaguriang Asia’s Multimedia Star, ay natanong ang isa pa sa lead star nito na si Jo Berry kung how was it working with Alden?

Jo Berry at Alden

“Pinanggi-gigilan niya ako lagi…ayaw niya akong mapagod sa paglakad kaya lagi niya akong binubuhat.

Na ang katuwiran naman ni Alden na tipong natatawa ay…“Mabagal kasi siyang maglakad.”

“Kinikilig po ako sa kanya. Pero hindi po totoo na may pagnanasa ako sa kanya.” lahad uli ni Binibining Jo Berry. Yes, Binibini coz wala pa siyang dyowa, noh. As in dalagang-dalaga pa in pernes.

“Saka bago pa kami nagkasama sa The Gift, ipinag-pray ko po kay Lord na maka-work ko siya at ibinigay naman po sa akin dito nga po sa The Gift. Na napakaganda po ng istorya.

“Masaya po ako sa role ko bilang anak-anakan si Alden.““Sobrang galing niya pong actor. Hindi pa po ako artista, palagi ko na po siyang pinapanood.

“Maraming instances dati na lalapit ako sa kanya, magpapa-picture lang ako. Yun po yung time na ginagawa ko naman ang Onanay serye. Sinasabi ko sa kanya noon pa na …”sana magka-work tayo” at eto na nga po magkasama na kami sa The Gift na siguro nga po ay gift din sa akin ni God kasi natupad po ang panalangin ko sa kanya.” Ang mahabang rebelasyon pa ni Jo B.

Airing na ang The Gift ngayong darating na September 16 after Beautiful Justice nina Yasmien Kurdi sa Kapuso primetime at bukod kay Alden ay makakasama rin ni Jo sina Jean Garcia, Elizabeth Oropeza, Luz Valdez, Martin del Rosario, Christian Vasquez, Ysabel Ortega, Rochelle Pangilinan, Tetay, Betong Sumaya, Mikee Quintos, Mikoy Morales at ang beauty queen na si Thia Thomalla na siyang ka-love tandem ni Alden sa nasabing teleserye at sa direction ni L.A. Madridejos.

-MERCY LEJARDE