Janella at Markus, spotted na magka-holding hands

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKUNAN ng litrato sina Janella Salvador at Markus Paterson na magka-holding hands habang naglalakad, sapat na ebidensya na ‘yun para sa netizens para maniwalang totally out na sa isip at puso ni Janella ang ex-BF niyang si Elmo Magalona.

janella at marcus

Nakapag-move on na talaga ang aktres and in fairness, parang nakapag-move on na ang fans nila ni Elmo dahil hindi na masyadong naba-bash si Janella ‘pag may picture na spotted sila ni Markus.

Ang dami ng picture na spotted ang dalawa, pero magkasama lang sila o kaya’y magkatabi. Ngayon lang may litrato na may slight PDA sila na ikinatuwa ng dumarami nilang shippers.

-NITZ MIRALLES