Ella, dancing queen to best supporting actress

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MILLENNIAL dance princess ang bansag noon kay Ella Cruz nang maging viral ang mga dance videos niya sa YouTube lalo na nu’ng isinayaw niya ang kantang, Twerk It Like Miley na umani ng 13 million views.

ELLA

Now as contract star ng Viva Artists Agency, she is now a certified award-winning actress nang manalo siyang Best Supporting Actress sa katatapos lang na Cinemalaya Filmfest dahil sa ginampanan niyang role sa pelikulang Edward.

Ang pagkakapanalo niya was somewhat of a surprise sa maraming festival fans at showbiz observers na expecting a more seasoned actress para i-claim the honor. But no one was probably more surprised than Ella herself.

Sabi niya sa amin dun sa ginanap na pocket preskon niya sa Viva Films office nito lang nakaraang Martes ng tanghali: “Hindi po ako makapaniwala na sa akin ibibigay ang award. ‘Di ko po talaga ini-expect ito. This is my first award after 10 years of doing acting and eto talaga ang mahal ko, acting.”

Kaya para maparangalan ako ng ganito ay sobrang laking bagay na para sa akin.

“Finally, nakita ko yung pinaghihirapan ko na nagbunga ng maganda.”

The character of Agnes sa pelikulang Edward is unlike anything Ella has done in movies and on TV.

“First time kong magkaroon ng ganu’ng role, as a streetsmart girl who toughens up but without bitterness amidst the oppressive conditions of society, na malayo from the wholesome and sweet cute girl na lagi kong ginagawa.

“Nu’ng una, may doubts pa ako na gawin ang pelikulang Edward pero thankful ako kina Direk Joyce Bernal na aming producer, Direk Thop and Boss Vic sa pag-trust sa akin na kaya kong gawin yung role ni Agnes.

“Sana makagawa pa ako nang maraming pelikula at maraming kakaibang roles.” Ang mahaba at nangingiti pa niyang lahad sa amin.

Ang Edward ay nanalo rin ng special jury prize sa Cinemalaya at mapapanood ito sa darating na October in cinemas nationwide.

Sa ngayon, balik romcom in the cable series si Ella sa Sisters Forever (2getherPoorever) kasama ang sinasabing rumored boyfriend niya in real life na si Julian Trono. Ang naturang cable show ay magsisimula na this coming September 21 on Viva TV.

Well, congrats to you, Ella Cruz and movie, tv projects pa more!

-MERCY LEJARDE