Desiree walang planong gayahin si Daniella

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG Asintado ang huling teleseryeng ginawa ni Desiree del Valle sa ABS-CBN nu’ng nakaraang taon at wala pang isang taon ang nakalipas ay heto’t may bago na namang programa ang aktres, ang Parasite Island na siya mismo ang bida bilang reyna ng mga linta.

Desiree del Valle

Nalilinya sa kontrabida role si Desiree pero may disclaimer siya, “sa totoong buhay I’m very sweet.”

At dahil gumagawa ng ingay sa telebisyon ang mga kontrabida tulad ni Dimples Romana bilang si Daniella Mondragon sa Kadenang Ginto ay natanong si Desiree kung type rin niyang magkaroon ng memes.

“I’m happy for them (Dimples) and I’m very proud of her maganda ‘yung nangyari sa kanya kasi nag-trending pa siya at nanalo pa siya ng award, social media something.

“I don’t wanna aim for that, I’m just happy with what I’m doing and contented and bonus na nga lang din kung mangyari ‘yun (trending dahil sa memes) pero that will never be my intention. I just wanna act and I love what I’m doing so I’m okay with that and very happy super,” pahayag ni Desiree.

Nabanggit pa ng aktres na masaya siya maski na anong role ang ibigay sa kanya kaya nung ibigay sa kanya ang Parasite Island ay natuwa siya dahil makakapag-comedy na siya dahil pawang drama ang mga naibibigay sa kanya.

“Hindi kasi masyadong serious na kontrabida ang role ko na akala mo laging may papatayin or something na mainit lagi ang ulo. At least dito nalalaro ko na ‘yung karakter ko,” say ni Desiree.

Samantala, inamin ng aktres na malaki ang ipinagbago niya sa buhay nu’ng naging asawa na niya si Boom Labrusca dahil lagi silang nagsisimba at namamanata.

“We go to church every Sunday saka every 1st of the month. Devotee kami, nagba-Baclaran kami every 1st of the month.

“With every relationship, it’s God first before anything else. Mas naging religious ako nu’ng nakilala ko siya (Boom). Mas religious siya sa akin. He taught me na kung anuman ‘yung problemang pagdadaanan whatsoever, leave it all up to him. Do not have any doubts whatsoever may plan siya for you,” pagtatapat ng aktres.

Abangan ang kakaibang karakter ni Desiree sa Parasite Island tuwing Linggo sa ganap na 7PM sa ABS-CBN.

-Reggee Bonoan