CEU Socrpions, target ang D-League Final 4

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

1:30 n.h. — Marinerong Pilipino* vs AMA

3:30 n.h. — CEU* vs Asia’s Lashes

PORMAL na makausad sa Final Four ang target ng Group A Team Marinerong at Centro Escolar University sa pagsalang nila nitong Martes sa 2019 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Mauunang sasalang ang No.1 seed at undefeated Marinerong Pilipino kontra 4th seed team AMA Computer Education ganap na 1:30 ng hapon at susunod ang no.2 squad Centro Escolar University laban naman 3rd seed Asia’s Lashes ganap na 3:30 ng hapon.

Dahil tumapos na Top 2 sa kanilang grupo, parehas may bentaheng twice-to-beat ang Skippers at ang Scorpions kontra sa kani-kanilang mga katunggali.

Tatangkaing duplikahin ng dalawang koponan ang naitala nilang panalo kontra sa mga ito noong eliminations upang ganap na sumulong sa semis, ang Marinero kontra AMA noong nakaraang Agosto 8 sa iskor na 91-82 at ang CEU laban sa Asia’s Lashes noong Agosto 1 sa iskor na 107-77.

Gagawin naman lahat ng Titans at ng Soldiers ang kanilang makakaya upang bumawi sa mga nabanggit na pagkabigo upang makahirit ng knockout matches para sa pinag-aagawan nilang slots sa semifinals.

-Marivic Awitan