4 naghati sa Korona ng 2019 BNTV Cup

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MATAPOS mapawi ang alikabok, apat na lahok ang nanatiling matatag hanggang sa huli upang magtapos na may parehong tig-9 na panalo at paghatian ang korona sa 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby grandfinals nitong Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

NAGDIWANG ang Team Optimus GF matapos makisalo sa tatlong iba pang kalahok sa kampeonato ng 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby grandfinals nitong Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

NAGDIWANG ang Team Optimus GF matapos makisalo sa tatlong iba pang kalahok sa kampeonato ng 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby grandfinals nitong Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

Handog nina Joey Sy & Eddie Boy Ochoa na may buong suporta ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, ang early-bird concept ng BNTV Cup ay ginamit na din ng Federation of International Gamefowl Breeders Associtions (FIGBA) at ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (PFGB-Digmaan).

Nagtapos na may perpektong iskor na 9 na puntos ang mga lahok na Boss Boyet Sept. 21 3stag/Cock Bday Ulutan (Boyet Samson), Gold Cup (Anthony Pineda & Rey Briones), JEBL GF (Banjo & Jokie) at Optimus GF (Neil Camello / Daniel Delos Reyes).

Nag-runners-up naman sa iskor na 8.5 puntos sina N&N (Jeric Uy) at Sapot (Leonardo Manalo / Napo Sahagun).

Kahanga-hanga din ang mga 8-pointers na sina 3a’s Kiddos (Amiel Angeles), Bergal Bmeg Integra Powermaxx 2 (Erick/ Loyd), Fey Gemini MRJ (Jesse Dianco), Genx1 (Jeepoy), Jump Around Dakmaan (Jing/PTM), Llenard’s Gamefarm (Ferdinand Chua), LM GF (Jofferson O. Collantes), Miguels (Nestor B. Macapagal Jr.), Quinn Cheys Gamefarm (Jet Delos Santos), Team Liberator Belman B-26 (Jimmy Mariquit), Triple J Farm 4 (Jervy Maglunob / Ady) and Zeus Mathew GF (Ronald Lescano).

Mahusay din ang ipinamalas ng mga 7.5 pointers na Carina (Engr. Oscar Gironella), Darwin (Pepito Samson) DDA Gamefarm / Tres Marias 1 (Den Den Araja), Hcap-Latag (Brando Caponpon), Jethro Gamefarm A (Jethro Negligencia / Philip Camigla), JJC Criselda Farm (Clarence Concepcion) at JQ Twins @ Ngv Gf (Narcing Villar / Jesus De Castro).