Movie ni Juday, sali sa Busan Int’l film fest

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINOST ni Judy Ann Santos ang poster ng kanyang movie na Mindanao at nakasulat sa baba ang 24th BUSAN International Film Festival, kasunod ang post ni Judy Anne na tuwang-tuwa.

juday

“So excited for this! Maraming first para sa akin sa pelikulang ito…first movie with Direk Brillante Mendoza, first movie to join different film festivals around the world…and first time kabahan ng ganito! But more than anything… i am beyond grateful to be able to experience working with direk brillante and his whole team. #mindanao.”

Nag-comment si Ryan Agoncillo ng “May nanalo na” at kabilang sa nag-congratulate kay Judy Ann sina Anne Curtis, KC Concepcion na excited nang mapanood ang nasabing pelikula.

Gaganapin ang Busan International Film Festival mula October 3 to 12 at siguro naman, dadalo sina Judy Ann at direk Brillante na ang sabi, “For me, Juday us a great actress because GOOD ATTITUDE MATTERS TO ME.”

Maiksi ang sagot ni Judy Ann na “it was my honor working with you direk…” at sa photo ni Judy Ann sa poster, Muslim woman ang role niya.

-NITZ MIRALLES