Kylie at Maxine, may hidwaan?

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KAYA namin ito naitanong ay dahil sa taping ng seryeng Los Bastardos na magkasama ang dalawang ex-beauty queens ay dinuraan daw ni Kylie Versoza si Maxine Medina at may bula pa ang laway na hindi naman kasama sa script.

kylie at maxine

Nagulat si Maxine sa ginawa sa kanya ni Kylie at hindi rin humingi ng pasensiya ang huli kaya napaisip ang una kung may galit sa kanya ang girlfriend ni Jake Cuenca.

Anyway sa sobrang sama ng loob ay nabanggit ito ni Maxine sa pinsan niyang si Dianne Medina na hindi naman napigilan ng TV host/anchor na i-blind item ito sa kanyang Facebook account.

“Da who itong artista nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, RESPECT pls. Minsan lang ako status Girl, ‘wag ang pamilya ko.”

Maraming naki-simpatiya kay Maxine sa ginawang ito ni Kylie.

Anyway, bukas ang pahinang ito para kay Kylie o sinuman sa RSB production.

-Reggee Bonoan