Jean at Jo Berry pumalag kay La O

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASAYA ang mediacon ng inspirational-drama series na The Gift sa Prime Hotel the other day. Napansin siguro ni Elizabeth Oropesa na medyo seryoso ang question and answer portion kaya nang time na niya na siya naman ang magsalita, sabi niya: “Bago ang lahat, may comment lamang ako. Yung dalawang ina, may malisya sa anak, napansin namin ‘yun.”

Jean Jo Alden TG

Siyempre pa tawanan ang lahat dahil alam nang mabiro si La O. Kaya natawa rin sina Alden Richards at sina Jo Berry at Jean Garcia, ang tinutukoy niyang dalawang ina, dahil ginagampanan ni Jean si Nadia, ang biological mother ni Alden as Joseph o Sep, at si Jo naman ang adoptive mother ni Alden na si Strawberry. Sa story, bata pa nang mahiwalay si Sep kay Nadia at nasagip siya ni La O as Lola Char sa kikidnap sa bata at iniuwi niya ito sa bahay nila ng anak na si Strawberry. Noong una ay tumanggi si Strawberry na siya ang mag-alaga at magpalaki kay Sep, pero nakagiliwan na niya ang bata na lumaking mabait at mapagmahal. Ano ang comment ng dalawang ina?

“Hindi ko po alam kung ano isasagot ko kay Lola Char, pero lagi pong ipinaalaala sa akin ni Direk LA Madridejos na nanay ako ni Sep,” sagot ni Jo. “Pero totoo pong idol ko si Alden dahil napakabait niya at napakahusay na artista at talagang ipinagdasal ko na sana dumating ang time na makasama ko siya sa isang project at answered prayer naman dahil heto na, magkasama na kami sa The Gift.

“Baby ko yang si Alden,” sagot naman ni Jean. “Kami na ang unang magkasama sa first project niya sa GMA, ang Alakdana at sa sumunod pang project niya, ang One True Love. Alam ko ang mga pinagdaanan ni Alden noon na tinatanggiham siya, pero napakabait na bata at hindi mo siya mariringgan ng reklamo. Kaya medyo nagkaiyakan pa kami ni Alden sa pictorial namin para sa serye dahil after that two teleseryes ngayon lamang kami muling nagkasama. At kung mabait na si Alden noon, mas mabait pa siya ngayon at lalong naging mahusay na actor. Hanggang ngayon ‘madam’ pa rin ang tawag niya sa akin, dahil iyon ang itinawag na niya sa akin noon pa. Kaya La O, nanay ako rito, biological mother, sa akin nanggaling si Alden.”

Ang The Gift ay may world premiere na sa Monday, September 16, sa Primetime Telebabad, pagkatapos ng Beautiful Justice.

-NORA V. CALDERON