Gustong ligawan ng sikat na aktor, ‘taken na’

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

CERTIFIED bachelor ang sikat na aktor at aminadong may napupusuan na siya pero ayaw palang niyang sabihin kung sino dahil ayaw niyang ma-preempt.

Naghahanap lang ng tamang tiyempo ang sikat na aktor para pormal na magsabi sa liligawan niyang kilalang personalidad.

Aksidenteng nabanggit sa amin ng taong malapit sa sikat na aktor kung sino ang bet nitong ligawan at natawa kami kaya pinasabi namin sa kausap namin na, ‘taken na’ ang kilalang personalidad.

Hindi naniwala ang taong malapit sa sikat na aktor dahil nga hindi naman nababalita at wala rin namang pag-amin mula sa kilalang personalidad na ilang beses nang tinanong kung may boyfriend na.

Oo nga, pati kami ay napaisip kung bakit hindi pa inaamin ng kilalang personalidad kung sino ang nagpapatibok ng puso niya ngayon. Dahil kaya sa big time career niya kaya bawal pang aminin?

Anyway, ini-imagine namin kung bagay ang sikat na aktor sa kilalang personalidad, hmm puwede rin naman dahil may itsura naman ang binata at ang lamang niya sa boyfriend ng dalaga ay sikat nga siya.

-Reggee Bonoan