Volunteers, may malaking papel sa SEAG hosting

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

IGINIIT ni Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chief Operating Officer Ramon Suzara na may malaking papel ang volunteers sa histing ng 30th SEA Games.

SUZARA: May mahalagang papel ang volunteers

SUZARA: May mahalagang papel ang volunteers

“Whatever we have been doing in PHISGOC for the last few years will be meaningless without you. If we don’t have any of you, then we won’t be able to deliver the best SEA Games. And with this, you are part our family, our SEA Games family,” pahayag ni Suzara.

Kabilang si Suzara sa mga opisyal ng PHISCOG, Philippine Olympic Committee, at Philippine Sports Commission, sa mga nagbigay ng mensahe sa mga volunteer sa isinagawang welcome ceremony para sa volunteers sa Subic-Clark Cluster nitong Biyernes.

Sinabi ni Suzara na ang tagumpay ng SEAG hosting ay kulang kung walang volunteers na gagabay at tutulong sa pagsasagawa ng mga events at pangangasiwasa mahigit 11,000 atleta at opisyal na makikiisa sa biennial meet na nakatakda sa Nobyermbre 30 hanggang Disyembre 11.

Kabuuang 530 medal events mula sa 56 sports ang paglalabanan sa kabuuang 44 competition venues sa Clark, Subic, Metro Manila, Tagaytay at Batangas.

Sumailalim na sa briefing ang 9,000 volunteers mula sa SEA Games Volunteer Program at sasailalim sa pagsasanay ng PHISGOC para maihanda sila sa kanilang responsibilidad.

-Annie Abad