Batang aktor masama ang loob sa ama?

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI pa rin pala okay ang relasyon ng batang aktor sa ama niyang may posisyon sa TV network dahil ang katwiran ng una, “kailangan niyang i-gain muna ang trust ko. Hindi naman niya ako masisisi,” saad ng bagets.

Ilang taon na rin sa showbiz ang batang aktor pero hindi umaalagwa nang husto ang career dahil may humaharang.

“Maraming inquiries, kaso biglang nawawala. Mayroon nga, kasama na ako sa isang teleserye, tapos biglang napalitan. E, pinaparating naman sa akin na hinarang niya (tatay niya),” kuwento ng binatilyo.

Mukhang naungusan na nga ang batang aktor ng mga ka-batch niya na bagong lipat pa sa network, dahil kasama na ito sa upcoming serye na pinag-uusapan ng lahat dahil magagaling ang buong cast.

“Okay lang, steady lang naman ako. Pero siyempre nakakasama ng loob,” sambit pa ni bagets.

Abala naman sa pag-aaral niya ang batang aktor kaya doon napupunta ang konsentrasyon niya kaya kahit na walang project ay okay lang.

-Reggeee Bonoan