Bagamasmad, wagi sa Balinas Cup

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PINAGHARIAN ni National Master Efren Bagamasbad ng Talisay, Camarines Norte ang 12th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup nitong weekend na ginanap sa Ma’am Olive’s Cafe, East Tapinac sa Olongapo City, Zambales.

Sina Bagamasbad, Dentist Alfred Paez ng Cabuyao, Laguna at Victor Anas ng Bulacan ay kapwa nakapag poste ng tig 4.5 points subalit nakopo ni Bagamasbad ang titulo courtesy ng higher-tie break output.

Pinaghatian ng tatlo ang papremyo na P22,000 sa event na suportado ng City Government ng Olongapo sa gabay nina Mayor Atty. Rolen Paulino Jr. at councilor Kaye Ann Legaspi, Zambales Vice Governor Jay Khonghun, Deputy Insurance Commissioner Atty. Randy Escolango, Gordon College at RP Energy sa pakikipagtulungan nina Philippine Executive Chess Association President Dr. Jenny Mayor at engineer Antonio “Tony” Carreon Balinas.

Tumapos sina Dandel Fernandez ng Maynilad at Leonardo Navarro, Comelec executive mula Cabanatuan City ng fourth at fifth na may 4.0 na sinundan naman nina journeyman Andrew Sorima at Dr. Johnny Corrales na may tig 3.5 points.

Ang mga nakapasok sa 10 finishers ay sina Reden Baulita, Glenn Hullana Garcia and Winnie Felix na tig 3.0 points.

Mismong sina NCFP Director NM (Atty.) Edmundo Legaspi na PECA Vice President for Luzon , Mr. Patrick Tamano Roxas, chief organizer ng 12th leg mula Olongapo City at Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor ang nanguna sa closing rites