‘Cardo’, posibleng mag-cameo sa ‘Kadenang Ginto’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KUNG daily ang trending ng bagong seryeng The Killer Bride, ayaw ding paawat ng drama-hapong serye na Kadenang Ginto na napapanood araw-araw after It’s Showtime, dahil sa rami ng pasabog na inihayag ng bidang si Dimples Romana na gumaganap bilang si Daniela Mondragon.

Coco

Ginulat ng teleserye ang mga manonood nang magkaroon ng cameo appearance ang mga bigating Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Bea Alonzo nitong nakaraang mga linggo. Nang tanungin kung sino pa kaya ang posibleng mag-crossover sa kanilang programa, nabanggit ni Dimples ang It’s Showtime host na si Vice Ganda ang isa sa mga gusto niyang umapir sa kanilang programa.

“Sabi ni Vice, baka daw pumunta daw siya. Magpapasampal daw siya kay Daniela kasi magpo-promote kami ng movie namin for MMFF,” kwento ni Dimples sa ABS-CBN News.

Isa pa sa inaabangang magkaroon ng cameo appearance sa Kadenang Ginto ay si Coco Martin na gumaganap bilang Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sakaling matuloy ang paggi-guest ni Coco sa KG, isa na naman itong aabangan ng mga viewers na sumusuporta sa dalawang Kapamilya actors.

Kamakailan ay nagkasama ang aktor at si Dimples kaya’t nagkaroon ng mga haka-hakang mag-gi-guest din si ‘Cardo’ sa hit afternoon soap. Malamang na kinukumbinse ng Primetime King si Dimples na mag-cross over din sa kanyang programa.

-Ador V. Saluta