Vice, hinihintay mag-cameo sa ‘Kadenang Ginto’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“HEALTHY competition ‘yan. Nasa maliit na industriya lang tayo kaya we support one another. Kaya kung saan man ‘yan, we always give our love to them lalo na si Ate Aiko (Melendez), I love her so much, kasama ko siya sa ‘Bagani’ (2018). Sobrang ate ko ‘yun as in natatawagan ko at nakakausap ko,” ito ang pahayag ni Dimples Romana nang hingan namin ng reaksyon sa pagiging magkatapat ng programang Kadenang Ginto at Prima Donnas na nagsimula kahapon, Lunes.

Dimples, Ghie Pangilinan at Julie Gutierrez

Magkaibigang tunay sina Aiko Melendez at Dimples at nagkasama nga sila sa Bagani at magkakampi pa sila laban kay Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Inamin din ni Dimples bilang si Daniella na aabutin ng Marso 2020 ang Kadenang Ginto kaya matagal-tagal pa ang kasamaang ipapakita ng karakter niya sa nasabing serye. Sa katunayan, hinihintay niya raw si Vice Ganda para mag-cameo.

Aniya, “sabi ni Vice pupunta siya at magpapasampal daw siya kay Daniella. Saka magpo-promote kami ng movie namin for MMFF (2019).”

Nauna na kasing mag-cameo ang dalawang bestfriend for life niyang sina Angel Locsin at Bea Alonso sa KG.

“Nakiki-support sila and they do it for the love kaya I’m so thankful to them. Ang cute nga kasi si Bea, dumaan kasi na-miss daw niya ako tapos sabi ko, tara mag-cameo ka kunwari mababangga mo ako, um-oo naman siya kaagad.

“Tapos si ‘Gel bumisita rin kasi that day, it’s International Friendship Day so pinuntahan niya ako sa Quezon City. Dalawang oras siyang bumiyahe galing BGC papunta sa akin.

“And you know why I love my friends, these are the two of the biggest stars of ABS-CBN and yet nagkakaroon sila ng oras para dalawin ako and our friendship, ang tagal na, more than decade na siguro.

“Si ‘Gel mula lumipat (2007) kasama ko na, si Bea nag-start palang kami magkasama kami sa ‘Kay Tagal Kitang Hinintay’ (2002) friends na kami. Nakatapak pa rin sa lupa at never nilipad dahil ganu’n sila. Ganu’n sila bilang tao, very grounded sila. Hindi man kami magkita palagi pero alam nila na nandoon ang suporta ko,” mahabang kuwento ng aktres.

Samantala, sobrang overwhelmed si Dimples dahil ang karakter niyang si Daniella ay kinuha bilang endorser ng Skin Magical na naka-tie up sa Kadenang Ginto.

“Nagulat ako nu’ng sinabing si Daniella may endorsement na, sabi ko, talaga ba? Kasi trending parati si Dani Girl at pati ‘yung YouTube channel kong Daniella grabe ang views.

“At need ko rin naman kasi alam n’yo naman ang ilaw sa taping, sobrang HD, nakakasira rin ito sa skin kaya good thing I’m using na product.

“Kasi it’s fiercest and most intense of them all, this kit is appropriate for those who bear some of the deepest and darkest scars like Daniela,” paliwanag ni Dimples.