Sikat na aktres, dedma sa mga katrabaho

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

LUKANG-LUKA pala lahat ang production staff at co-artist sa aktres na nakasama nila sa pelikula dahil sa buong shooting ay bad mood ang dalaga, as in.

Hindi raw tuloy alam ng staff kung paano ia-approach ang aktres dahil bukod sa hindi ngumingiti ay lagi pang may kausap sa cellphone o kaya ka-text.

Tinanong namin kung may isyung pinagdadaanan that time ang artista nila.

“Wala naman kaming alam, hindi naman nagsasalita at saka hindi naman siya nakikihalubilo sa co-actors niya. Laging nasa standby area niya. Kung walang kausap, matutulog. ‘Pag kakain, doon din siya sa lugar niya,” kuwento sa amin.

For the nth time na naming narinig na may ganitong ugali si aktres, at maging sa ilang shows na nilabasan niya ay hindi talaga siya approachable sa lahat.

E, bakit ang dami pa ring kumukuha sa aktres, alam naman palang ganito ang ugali niya?

“Sikat kasi,” one-line ng aming source.

‘Yun ang pinanghahawakan ng aktres kaya may ugali, katuwiran niya, “habulin n’yo ako!”

Ang tanong, hanggang kailan ang kasikatan niya, e, ang daming bagong artista ngayon na di hamak na mas maganda at kaya ring gawin ang lahat ng ginagawa niya.

-Reggee Bonoan