San Mateo chess sa Miyerkules

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MAGIGING abala ang mga kabataang manlalaro sa paglahok sa 1st Ayeng and Knightly Rapid Non-Master Chess Tournament 2050 and Below ngayong Miyerkoles sa San Mateo National High School, San Mateo, Rizal.

Ayon kay tournament director Mr. John C. Fajardo, ang one-day event na ito ay isinagawa kasabay ng pag-gunita sa makasaysayang pagkamatay ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr..

Ito ay bukas sa lahat ng walang titulong manlalaro na ang rating ay hindi lalagpas sa 2050. Ipapatupad ang 7 Rounds Swiss System, 20 minutes plus five seconds time delay mode.

Nakalaan sa magkakampeon ang P3,000 plus trophy, maisusubi ng 2nd place ang P1,500 plus trophy, maibubulsa ng 3rd place ang P1,000 plus trophy, habang ang 4th hanggang 5th ay makakatangap ng tig P500 plus medals.

May mapapanalunan din ang best performer para sa top senior, top 1 highschool at top 1 kiddies na tig P300 plus medals habang tig P200 plus medals naman ang top 2 highschool at top 2 kiddies.

Makipag-ugnayan kay tournament director Mr. John Custodio Fajardo sa mobile number: 0909-823-6060 para sa karagdagang detalye