FEU Tams, kampeon sa Taipei

Filed under Balita, Basketball, Sports Balita RSS RSS Feed

TINAPOS ng Far Eastern University ang pre-season campaign sa impresibong kampeonato sa Taipei City.

Sinandigan ng Tamaraws sina one-and-one big man Emman Ojuola at shooting forward Brandrey Bienes upang maitala ang 82-63 panalo kontra Bank of Taiwan sa finals.

Si Ojuola ang nagpasiklab sa opensa ng Tamaraws matapos itala ang 8 sa kanyang kabuuang 21 puntos sa first quarter.

psa

Lamang na ng 16 puntos matapos ang first half, lalo pang umalagwa ang Tamaraws sa second half hanggang sa tuluyang selyuhan ni Bienes ang panalo sa ipinukol nitong tatlong triples sa final canto.

Nauna rito, winalis ng Tamaraws ang  group stages makaraang gapiin ang mga koponan ng  Pauian (83-73), Footer (80-73), at Hao Yu (78-60) bago muling ginapi ang Pauian, 74-73 sa semis.
Ang titulo ang ikatlong pre-season crown.ng FEU kasunod ng  2019 Milcu Got Skills Challenge at 2019 Bayugan City Mayor’s Cup Invitational Basketball Tournament.

Magsisimula ang UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Setyembre 4 sa Araneta Coliseum. Marivic Awitan