Career ni Sam, ipu-push ng Viva

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TULUYAN nang nagbabu si James Reid sa Viva Artist Center na namamahala ng showbiz career niya at matagal na itong binanggit sa amin dahil may ilang problemang idinaing ang aktor pero ‘tila hindi sila nagkasundo ni boss Vic del Rosario.

James

Nito ngang nakaraang linggo ay biglang nagpaalam sa talent agency ang aktor kasama ang ama na si Mr. Malcolm Reid, pero hindi malinaw sa amin kung tinapos ng binata ang kontrata niya sa Viva.

In passing ay nabanggit sa amin na isa sa mga dahilan ng hindi pagkakaunawaan ay ang pag-atras ni James sa movie project na Pedro Penduko na balitang ipinasa na kay Matteo Guidicelli.

May isa pang dahilan ang sinabi sa amin ng aming source pero hindi na namin babanggitin dahil personal at tiyak na itatanggi ito ng aktor.

Anyway, sa pag-alis ni James sa Viva ay nagdesisyon daw si boss Vic na si Sam Concepcion ang ipu-push nito nang husto para muling sumigla ang karera ng singer/actor.

Nabanggit pang, “actually, walang problema ang Viva kay Sam, masunurin ‘yun.”

Oo nga, mahusay na singer/dancer si Sam kaya nakatataka na parang lumamlam ang karera niya. Mabuti na lang at napapanood siya sa teleseryeng The Killer Bride para maalala pa rin siya ng tao.

-Reggee Bonoan

  • MochoGarbo

    sa movie itr ipartner kay Pauline Mendoza.