Boxing, archery at UCSAA sa PSA

Filed under Balita, Boxing Balita RSS RSS Feed

ISYU sa archery, boxing at Universities, Colleges, Schools Athletic Association (UCSAA) ang sentro ng usapin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Magbibigay ng kanilang pananaw hingil sa paghahanda ng koponan sa SEA Games sina veteran coach Clint Sayo, kasama ang mga archers na sina Paul at Rachelle Dela Cruz, gayundin si Andrea Robles.

psa

Makakasama nila sa lingguhang forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sina fighters Carlo Penalosa at Maximino Flores ng Mexico para sa International Boxing Organization (IBO) flyweight title.

Sasamahan sila ni two-time world champion Gerry Penalosa, gayundin sina Ultimate Boxing Series finalists  April Jay Abne, Ronel Sumalpong, Lienard Sarcon, at  Aljum Pelesio.

Magbibigay din ng mensahe ang UCSAA officials sa forum ganap na 10:00 ng umaga si Dr. Nestor V. Dela Cruz ng Saint Dominic Savio College. Magbubukas ang ikasiyam na edisyon ng liga sa August 30 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.