Youngstar, deadma sa isyu

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KAYA pala taas noo ang young star  sa paghihiwalay nila ng boyfriend niyang sikat na dahil sa pinili nitong karera ay dahil lahat ng paratang sa kanya ay hindi totoo.

Kung anu-anong ibinibintang kasi sa youngstar na hinuhuthutan nito ang binata dahil nga mayaman at mapera.

Maling-mali pala dahil kuwento ng aming source, “’yun nga kasi , akala ng iba porke’ t mayaman at mapera si (guy) akala kung anu- ano ang pinabibi l i ni (youngstar), ang hindi nila alam waley naman.”

Nabanggit pa na mas madalas ang youngstar ang manglibre sa guy boyfie niya kapag kumakain sila sa labas kasi nga kasama naman ni gi r l ang magulang niya as i n chaperone.

Mabibilang sa daliri kung ilang b e s e s nang ini l i b r e ni guy ang girlfriend at higit sa lahat boto ang pamilya niya sa youngstar.

Kaya saan daw ba nanggagaling ang tsikang ginagastusan ni guy boyfie ang youngstar?

Walang maibigay na dahilan si guy kung bakit sila naghiwalay ng youngstar, pero ng huli ay natatawa lang at hindi raw siya ang kailangang sumagot sa tanong.

Sa kabilang banda ay masaya ngayon ang youngstar dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya ngayon.

-Reggee Bonoan