No wedding plans for Sunshine and BF

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Sexy pa rin si Sunshine Cruz sa kabila ng pagiging ina ng tatlong anak niyang babae, one of which ay magde-debut next month.

Macky at Sunshine

Noong kabataan ni Sunshine ay maraming aktor ang nanligaw sa kanya kabilang sina Joko Diaz, Tonton Gutierrez, Kier Legazpi, Keempee De Leon at Raymart Santiago. Marami siyang ni-reject kaya binansagan siyang busted queen.

Kapuna-puna ang tatlong singsing sa daliri ni Sunshine, hindi raw ito engagement kundi promise ring mula sa kanyang special someone na si Macky Mathay. It significe their 3-year old relationship. No wedding plans para sa dalawa dahil gusto ni Sunshine na ma-enjoy ang bonding sa kanyang mga anak.

Balik-pelikula si Sunshine sa Malamaya at may mga maiinit na tagpo si Sunshine at kanyang batang leading man. Isa ring May-December affair ang tema ng Malamaya.

“Wish ko noon pa na mapasama sa Cinemamalaya. Hanggang sa dumating ang project na ‘Malamaya’, I found the script very strong para ‘tong May-December affair. Ang mga love scenes ay very vital sa istorya. It is about a lonely woman na walang love-life hanggang dumating sa buhay niya ang isang lalaki na almost half her age.”

-REMY UMEREZ