Moira, ‘di totoong nagpa-nose lift

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATINDING pinabulaanan ng pangulo at CEO ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo ang kumakalat na isyu ngayon sa showbiz na lahat ng artists nila ay nire-require niyang magpa-nose job at isa na si rito si Moira dela Torre.

Moira

Nag-ugat ang tsikang ito nang banggitin ni Moira na may nagkamaling procedure sa nose niya sa ginanap na bloggers presscon niya para sa major concert niyang Braver na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa September 13, Biyernes sa ganap na 8:00 ng gabi.

Noong naka-one-on-one interview namin si Moira ay pinansin namin ang sugat sa ilong niya na parang pimple at sabi nga niya, ito ang dahilan kung bakit bothered siya kaya tinatakpan na lang ng make-up kapag may tapings sila ng Idol Philippines. Sabi pa niya ay nagkaroon ito infection.

Batay naman sa video interview ni Moira ay, “well, basically may nagkamali. My nose went on necrosis and it was a very simple procedure, it’s non-invasive but it went wrong. It went on necrosis and hindi po siya naagapan agad because we had no idea what’s was happening. So, I was at high risk of being blind, heart attack and stroke and for almost 3 months I was at home recovering.”

Nakita namin noon na parang may bukol ang ilong niya, ito siguro ang sinasabing procedure na ginawa pero sabi nga ng mang-aawit, nagkamali.

Base naman sa sagot ni Erickson tungkol sa sinasabing nire-require niya, “Hindi naman. Saka (kung totoo), hindi pa rin naman matangos ang ilong niya (Moira).”

Sabi naman ng handler ni Moira na si Mac Merla, “hindi po, nagka-infection siya sa nose kaya nagkasugat. Dedma na kami riyan, Reg, hindi lahat pinapatulan.”

Binalikan namin ang The Voice blind audition noon ni Moira at pareho pa rin nga ang ilong niya, medyo malapad pa rin at nadadala lang sa make-up.

Samantala, kaya Braver ang titulo ng concert ni Moira ay dahil naging malaking challenge raw sa kanya ang pagpuno sa KIA Theater/New Frontier Theater noong Pebrero 17-18, 2018. Marami ang hindi nakapanood sa naunang concert kaya ngayon ay sa mas malaking venue na mula sa Cornerstone ang gagawin ni Moira at ididirek ito ni John Prats.

-REGGEE BONOAN