Lady Volcanoes, umigpaw sa Asia Rugby

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAITALA ng Philippine women’s rugby 7s team ang kasaysayan sa sports nang pagwagihan ang 2019 Asia Rugby Women’s Trophy Series kamakailan sa Gelora Bung Karno Sports Complex sa Jakarta, Indonesia.

Bunsod ng tagumpay, nalagpsan ng Lady Volcanoes ang kanilang silver medal finish sa torneo may dalawang taon na ang nakalilipas.

Ginapi ng No.2 seed na Lady Volcanoes ang Qatar, 27-0, Laos 24-0,

India, 19-12, bago ang kampeonato kontra Indonesia, 26-7.

Napunta naman ang Plate sa Korea sa Asia Rugby Women’s Trophy Series habang ang Bowl ay nakamit ng Qatar.

Tumapos na ikaapat na pangkalahatan sa Top players si Alumi Ono sa pagtala ng 3 Try na isa sa pool at dalawa sa playoffs at 7 Conversion na tatlo sa pool at apat sa playoffs para sa kabuuang 29 puntos sa laro.

Ika-12 naman si Aldee “Happy” Denuyo na may tatlong Try na dalawa sa pool at isa sa playoffs para sa 15 puntos kasama si Patrocinia Grace Duffy. Nasa ika-20 si Helena Indigne, Jacquiline Mae Lyden at Sylvia Tudoc na may iniambag na 10 puntos.