Kris-Gabby tandem uli after 9 years

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

IPINOST ni Gabby Concepcion sa Instagram (IG) account niya ang isa sa mga pasalubong sa kanya ni Kris Aquino galing Japan.

Gabby at Kris

Sa first shooting day ng Metro Manila Film Festival entry nilang (K)Ampon pumunta o dumiretso si Kris para ibigay ang pasalubong niya kay Gabby na parang marami.

Sa picture na ipinost ni Gabby, hawak niya ang malaking water container at may caption itong, “1st day shoot for a horror movie with @krisaquino. Thanks for the water container and other goodies. I can put my @aquabestph water in there to hydrate. Lol.”

Naka-upload din sa IG ni Kris ang video ng meeting nila ni Gabby and in fairness, ang dami agad nilang napag-usapan. Kuwento ni Kris, nagkasama sila ni Gabby sa Pangako ng Puso noong 1910 at sa Kung Tayo’y Magkakalayo noong 2009-2010. Ngayon lang nasundan dito nga sa (K)Ampon, na ididirek ni King Palisoc.

Sa nag-wish na sana matapos ni Kris ang movie nila ni Gabby, ang sagot ni Kris, “sana talaga. Good vibes and positive attitude.”

Sa (K)Ampon ay may love scene sina Gabby at Kris na gaganap na mag-asawa. Isa rin si Kris sa mga co-producer ng pelikula, kaya malaki ang pasasalamat niya kay Gabby sa pagtanggap ng project dahil kung hindi, malamang ay mauuwi lang sa wala ang paghahanda nila pati ang ibinayad sa MMFF.

-NITZ MIRALLES