Erich, ‘ayaw’ tumanggap ng bida-kontrabida role

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

FOLLOW-UP ito sa Erich Gonzales write-up namin dito sa Balita kahapon na nagtataka ang lahat kung bakit inayawan niya ang pagbabago ng script ng Love Thy Woman gayung mas challenging ito para sa kanya.

Erich

Oo nga’t hindi ito ang pinitch sa storycon, pero sa takbo ng kuwento at tapings ay hindi maiiwasang magkaroon ng pagbabago para mas lalong pagandahin ang takbo ng istorya, sabi ng aming source.

“Ayaw ba ni Erich na mag-level up bilang bida-kontrabida? Hindi naman forever siyang leading lady lang. Ang magaling na artista, tumatanggap kahit na anong role ang ibato kasi katuwiran niya wala naman siyang dapat patunayan na dahil sikat na, made na. Ang bida-kontrabida, hindi nawawalan ng projects kumpara sa forever ka na lang leading lady,” paliwanag ng aming source.

Sabagay, ang mga beteranong artista ngayon ay mas gustong maging bida-kontrabida dahil katuwiran nila, mapapansin at mapapansin pa rin sila.

Sa kuwento ng Love Thy Woman ay obviously sina Kim Chiu at Xian Lim ang partners, alangan namang Xian at Erich loveteam ito?

Dumating na si Erich galing Japan at bukas ang pahinang ito para sa kanya.

-Reggee Bonoan