‘Wife Husband Wife’ nina Bea, Angelica at Richard, sinimulan na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DAHAN-DAHAN nang nagpaparamdam sa social media si Bea Alonzo matapos pumutok ang controversial issue nila nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Unang nabasa ang “One day at a time” sa kanyang Intagram (IG) profile, pinalitan na rin ng aktres ang dating IG profile niya.

Bea, Angelica, Richard

Noong isang gabi naman, nakita siya kasama sina Paulo Avelino at girlfriend nito at iba pang kaibigan sa isang bar. Natutuwa ang netizens, lalo na ang fans ni Bea na lumalabas-labas na siya uli na in fairness, hindi naman siya nagtago.

Nakita rin si Bea na nasa church at kahapon nga, nagsimula na ang shooting ni Bea para sa pelikula nila nina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban na Wife Husband Wife. May gagawin pang teleserye si Bea kaya magiging busy na talaga siya.

-Nitz Miralles